-- Advertisements --

Kinansela ng legendary singer na si Dionne Warwick ang ilang show nito.

Sinabi ng kampo ng 82-anyos na singer na sumakit ang kaniyang mga hita kaya minabuti niyang kanselahin ang show nito.

Nakatakda sanang ganapin ang show nito sa isang casino sa Chicago sa Hunyo 24 subalit dahil sa insidente ay minabuti nitong kanselahin.

Pinayuhan ng organizers ang mga nakabili ng ticket na kanilang irere-schedule ang nasabing show.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng singer ay ang “That’s What Friends Are For”, “Say A Little Prayer” at maraming iba pa.