-- Advertisements --

Nakatakdang isyuhan ng show cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units hinggil sa mga nasayang na covid19 vaccines.

Kasunod na rin ito ng nilalayong target na mabakunahan ang nasa isa hanggang 1.5 million indibidwal kada araw para maabot ang herd immunity ngayong taon.

Paglilinaw ni DILG spokesman Usec Jonathan Malaya na sa ngayon bina-validate na ang mga report mula sa National Vaccine Operations Center (NVOC) at posibleng iisyu ang show cause order sa mga concerned LGUs sa oras na aprubahan ni DILG Sec Eduardo Ano.

Binigyang diin din ni Malaya na kailangan pang mag-hire ng mas marami pang encoders para sa vaccination line encoding na isusumite sa DICT at DOH para magkaroon ng steady na pagtaas ng vaccination rate sa bansa.

Para matugunan ang naturang isyu, nagbukas ang DOLE ng internship program para sa hiring ng kargadagng encoders at masolusyunan ang problema sa backlogs.