-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan na ni PNP Chief insidenteng pamamaril sa loob ng Angono Hospital sa probinsiya ng Rizal.

Layon nito para magkakaroon ng linaw ang pagpaslang sa isa umanong adik na binaril ng hindi kilalang gunman habang ginagamot na nakilalang si Vincent Adia, 27-anyos.

Sinabi ni Cascolan, under investigation na rin ang mga pulis na nagdala sa suspek sa hospital.

Dinepensa naman ni Cascolan ang mga pulis na iniwan ang biktima sa ospital.

Giit ni Cascolan, inassume ng mga pulis na wala ng banta sa sarili nito kaya iniwan ang biktima at saka umalis para abisuhan ang mga kamag anak na dapat ilipat sa ibang hospital ang biktima.

Paliwanag ni PNP chief sa sandaling ma assess ng mga pulis na wala ng banta ay hindi na kailangan bantayan ang biktima.

Nais din matukoy ni Cascolan kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.