-- Advertisements --

Patuloy pa ring umaani ng mga reaksiyon sa mga fans at maging sa ilang mga NBA players ang nakakagulat na paglipat ni Donovan Mitchell mula sa Utah Jazz patungong Cleveland Cavaliers.

Para sa ibang mga sporst analysts tinawag nila itong “shocking deal” dahil pumayag ang Utah na pakawalan ang kanilang superstar.

Ang mga Cavalier players na sina Kevin Love, Dean Wade at Darius Garland ay agad ipinaabot sa bagong teammate ang kanilang pag-welcome.

Sumagot naman si Mitchell na labis din ang kanyang excitement sa bagong team.

Ang ilang players naman ay naniniwalang lalong lalakas ang Cavs at inaasahang magiging contender lalo sa NBA.

Hindi rin naman makapaniwala sina Josh Hart, Tyrese Haliburton, Rudy Gay, Mikal Bridges, Eric Paschall at Isaiah Thomas sa pag-trade kay Mitchell.