-- Advertisements --

Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang hindi magandang karanasan nito noong pumasyal siya sa South Korea.

Sa kaniyang social media, ikinuwento niya na hindi siya pinatuloy sa isang luxury brand.

Dahil dito ay lumipat siya sa kabila at namili ng mga mamahaling bag.

Pagkatapos nito ay bumalik sa nasabing establishimento na hindi nagpatuloy sa kaniya at ito ay tumanggi ng pumasok ng makita ang mga pinamiling gamit.

Ang nasabing biyahe ay nangyari noong Agosto kung saan kasama nito ang asawang si Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.