-- Advertisements --
Pinagpapahinga ng ilang araw ng kaniyang mga doctor ang beterang actress-singer na si Sharon Cuneta.
Sa kaniyang social media account ay ibinunyag nito na sumailalim siya ng nasal endoscopy para gamutin nasal passages at namamagang lalamunan.
Kuwento nito na galing ito sa kaniyang doctor sa St. Lukes sa BGC kung saan may isiniksik na camera ang doctor sa kaniyang ilong at nakita na mayroong bara ito.
Dagdag pa nito na mga ilang linggo na rin niya itong nararanasan kaya minabuti niyang ipatingin ito sa doctor.