-- Advertisements --
Labis ang kalungkutan ng beteranang singer/actress Sharon Cuneta dahil sa pag-unfollow ng anak na si KC Concepcion kay Kiko at Frankie Pangilinan sa social media.
Sinabi ng tinaguriang “Megastar” na nasaktan siya ng malaman ang nasabing pangyayari.
Dagdag pa nito na maaring malakas ang dugo ng ama ni KC na si Gabby Concepcion kaya parehas aniya sila.
Giit pa niya na mula ng maghiwalay sila ng dating asawa ay hindi niya pinagbawalan ang anak na magkita sila ng ama.
Paglilinaw naman ni KC na sa social media lamang niya na-unfollow sina Frankie at Kiko pero andiyan pa rin ang tunay na pagmamahal nito sa kanila.