-- Advertisements --
Ibinunyag ni Sharon Cuneta na panandaliang naghiwalay sila ng asawang si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi ang sinasabi niyang hamon na pinagdaanan nilang mag-asawa.
Dahil aniya sa mabigat na pinagdaanan ay nagresulta ito sa panandalian nilang hiwalayan.
Hindi naman na nito tinukoy kung anong uri ang naging hamon sa kanilang relasyon.
Dagdag pa nito na ngayong 2024 ay sasailalim siya sa overhaul habang papalapit ang kaniyang ika-58 na kaarawan sa Enero 6.
Ilan sa mga pagkakaabalahan niya ngayong taon ay may mga nakapilang pelikula at ilang serye ng mga konsiyerto sa bansa.