-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos ang isinagawang buybust operation noong Sabado, Setyembre 17, sa Brgy. Basak Pardo nitong lungsod ng Cebu.

Nakilala ang mga naaresto na sina Fernando C. Paraiso Jr., alias JR, 31 anyos, laborer at Jecklerd B. Cabaluna, 35 anyos.

Nakumpiska sa operasyon ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 125 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P850,000, buy-bust money, at isang revolver na may tatlong (3) mga bala.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.