-- Advertisements --
Trending ngayon sa social media ang masayang balita na ibinahagi ng sexy actress-singer na si Roxanne Barcelo sa kaniyang recently uploaded vlog kung saan kinumpirma mismo nito na siya ay buntis na sa kaniyang first baby.
Kasama ang kaniyang nakababatang kapatid na si Timmy. gumawa ang dalawa ng brioche buns na isang magandang paraan upang ianunsyo ang kaniyang pagbubuntis.
Pagbabahagi ng 46-year old actress, inaasahan na raw nila ng kaniyang asawa na aabutin sila ng isang taon bago makabuo ng baby, tulad ng naging payo sa kanila ng OB-Gyne.
Noong Disyembre ay inanunsyo ni Barcelo na ikinasal na ito sa kaniyang non-showbiz boyfriend na hanggang ngayon ay hindi pa rin isinasapubliko ang pagkakakilanlan.