CENTRAL MINDANAO-Sa layuning makapagbigay ng dekalidad na serbisyong medikal sa malalayong barangay ng probinsya, isa na namang medical and dental outreach program ang isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ngayong araw sa Barangay Mapurok Alamada, F. Cajelo President Roxas at Brgy. Dunguan M’lang.
Batay sa datus ng IPHO, abot sa 427 na mga residente ng mga nabanggit na barangay ang nakatanggap ng libreng konsulta at gamot, 86 naman ang nakabenepisyo sa libreng dental extraction, 53 kabataan ang sumailalim sa libreng operation tuli at 50 naman ang nakatanggap ng libreng bakuna kontra covid-19.
Ang paglilibot ng medical team ay magpapatuloy batay na rin sa utos ni Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño-Mendoza na tiyakin na ang bawat komunidad ng lalawigan ay mayroong access sa dekalidad na serbisyong medikal.