Pinapayagan na sa ngayon ang mga bata edad 18-anyos at mga senior citizens na sumakay sa mga pampublikong sasakyan, tulad ng mga jeep at tren, sa ilalim ng pinaluwag na COVID-19 alert level sa Metro Manila.
Paglilinaw ito ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos kasunod na rin nang desisyon ng Department of Transportaion (DOTr) na itaas sa 70 percent ang passenger capacity ng mga public utility vehicles.
Una nang sinabi ni DOTr Assistant Secretary at Inter-Agency Council on Traffic chief Manuel Gonzales na bawal pa rin ang mga menor de edad na sumakay sa pampublikong sasakyan kahit may kasamang matanda hangga’t sa wala pang guidelines na nagpapahintulot sa kanila hinggil dito.
Magugunita na Nobyembre 5 nang inilagay ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 2.
Dito ay pinapayagan na ang mga bata na lumabas ng bahay at bumisita sa mga indoor establishments tulad ng mga malls basta may kasama silang matanda na fully vaccinated a kontra COVID-19.