TOLEDO CITY, CEBU – Dead on the spot ang isang senior citizen na tricycle driver matapos ang nangyaring banggaan kagabi sa Brgy. Poblacion Toledo City na kinasasangkutan ng isang multicab, dalawang tricycle at isang motorsiklo.
Base pa sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nawalan ng control ang multicab na minamaneho ng isang Irvyl Cansancio, 29 anyos at residente ng Tubod sa bayan ng Minglanilla habang pauwi na sana ito kaya nawala ito sa kanyang lane at nabunggo ang tatlong iba pang behikulo.
Dahil sa lakas ng impact sa banggaan, agad binawian ng buhay ang isang kinilalang Jose Antopina, 60-anyos at residente ng Ibo, sa nasabing lungsod habang patay na ng dinala sa ospital ang isa sa pasahero nito at sugatan naman ang dalawang iba pa.
Samantala, nakatamo rin ng mga sugat ang drayber ng isa pang tricycle na si Juventino Cabuenas at drayber ng isa pang motorsiklo na si Darwing Narvasa.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Toledo police station ang driver ng multicab na si Cansancio at nakatakdang sampahan ng kasong Homicide with multiple Physical Injuries and Damaged to Property.