-- Advertisements --

Nais madaliin ng mga senador ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Management.

Sa harap ito ng kabi-kabilang kalamidad sa bansa, kabilang na ang libu-libong pagyanig sa Mindanao, baha sa Northern Luzon at iba pang parte ng Pilipinas.

Para kay Senate committee on national defense and security chairman Sen. Panfilo Lacson, mahalagang maging handa ang mga mamamayan at gobyerno sa tila nagiging normal nang pananalasa ng mga kalamidad.

Hindi na rin aniya angkop ang pagbuo lamang ng task force at ad hoc kapag may matitinding bagyo, lindol at baha.

“Experience tells us that creating a task force or an ad hoc body every time a disaster strikes is deemed ineffective and inefficient, especially now that scientists postulate that we are entering a time of climatic uncertainty, also tagged as the “new normal,” wika ni Lacson.

Para naman kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, malaking bagay sa koordinasyon at pagbibigay ng solusyon sa problema kung may iisang tanggapan lamang na nakatutok.

“The creation of a Department of Disaster Resilience will ensure a more efficient, coordinated, and complete system of disaster management—from risk assessment to emergency response right down to reintegration assistance and rehabilitation,” pahayag ni Zubiri.