-- Advertisements --
Nakasalalay sa nagaganap na botohan sa estado ng Georgia kung sino ang susunod na kokontrol sa Senado ng Estados Unidos.
Magkatunggali sina Republicans Kelly Loeffler at David Perdue laban kina Democrats Raphael Warnock at Jon Ossoff.
Kailangang kapwa manalo sina Warnock at Ossoff upang makuha ni President-elect Joe Biden ang kontrol sa Kongreso.
Habang isang boto lamang ang kinakailangan ni outgoing president Donald Trump para manatili sa kaniyang partido ang Senado.
Sa ngayon batay sa exit polls, 49% ng mga taga-Georgia ang pabor sa Republicans habang 48% naman ang sa Democratic Party.