-- Advertisements --

Tahasang tinawag ni na pakialamera ni Senadora Imee Marcos si United Nations Special Rapporteur Irene Khan sa panawagan nito na buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Marcos, hindi lamang pakialemera si Khan kundi mababaw din ang pag-unawa nito.

Gayunpaman, sinabi pa ni Marcos na ang panawagan ni Khan ay hindi nakakasurpresa, dahil sa matagal niyang pagkiling sa Amnesty International.

Naniniwala ang senador na kontra-produktibo at mas mapanganib kapag binuwag ang NTF-ELCAC.

Ayon kay Marcos, dapat pa ngang palakasin ang mandato ng NTF-ELCAC na ipagpatuloy ang mapayapang pagbabalik loob sa pamahalaan at makataong rehabilitasyon ng mga rebel returnees.

Libu-libong rebelde na aniya ang mapayapang nagbalik loob sa pamahalaan at halos tagumpay nang nagwagi ang gobyerno sa communist insurgency.

Punto pa ng senadora na ilang araw lang sa bansa si Khan at iilan lang ang nakausap nito kaya wala itong karapatan na pagsabihan ang gobyerno kung ano ang dapat gagawin.