-- Advertisements --

Natatapangan si Senador Robinhood Padilla sa mga pamamalakad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ating bansa. 

Partikular na tinukoy ni Padilla ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa upang humupa ang tensyon sa West Philippine Sea. 

Ayon kay Padilla, bagama’t may desisyon ang pangulo na labag sa kanyang kalooban, kailangan niyang tumayo sa tabi ni Pangulong Marcos at suportahan ito. 

Samantala, ayon pa sa senador, ito ang oras para ipaliwanag ng pangulo sa taumbayan ang mga ginagawa niya para mas maintindihan ang kanyang mga hakbang kaugnay sa bansa. 

Sa huli, hinangaan naman ng Senador ang mga estratehiya ng kasalukuysang punong ehekutibo pagdating sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa.

Ngunit, dapat lamang aniya na handa ang Pilipinas sa mga hakbang na ito at ipaunawa sa publiko ang direksyon ng mga pamamaraan ni Pangulong Marcos.