-- Advertisements --

Tuloy na uli bukas ang pagdinig ng Senado sa isyu ng bilyon-bilyong deal ng gobyerno sa Pharmally, para sa mga biniling personal protective equipment (PPE) ng health frontliners.

Ayon kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, tatapusin nila ang mga nakabinbin pang katanungan ng ibang miyembro ng Senado.

Ito na ang magiging ika-12 hearing ng lupon, simula nang lumitaw ang alegasyon ng korapsyon.

Hindi naman pipilitin ng panel ang mga miyembro ng gabinete na dumalo sa hearing, lalo na kung may mga ginagampanang function ang mga ito para sa COVID response.

Una rito, nasimulan na ang pagbalangkas ng committee report ng blue ribbon, ngunit hindi pa ito naiaakyat sa plenaryo para sa rekomendasyon ng mga kaso.

Una nang sinabi ni Gordon na marami silang nakikitang posibleng masampahan ng kaso dahil sa kontrobersyal na kontrata ng PS-DBM sa kompaniyang Pharmally.