-- Advertisements --
Ipinapa-review ni Senator Imee Marcos sa Department of Agriculture ang paglimita sa paggamit ng mga uri ng fertilizers sa mga magsasaka sa bansa.
Itinutukoy dito ng senador ay ang Memorandum Order 32 na pagpapalit ng inorganic na urea sa biofertilizer para sa mga magsasaka ng bigas.
Mahalaga aniya na magkaroon muna ng testing ang DA sa mga biofertilizers kung tunay na ba na mababawasan ang gastusin ng mga magsasaka kung ito ay kanilang gagamitin.
Sakaling mabigo ang biofertilizers na makamit ang pangako nito ay magreresulta rin ito sa pag-aangkat ng malaking bulto ng bigas sa bansa.