-- Advertisements --
Personal na nagtungo si Sen. Imee Marcos sa dalawang Barangay sa Davao City nitong Linggo bilang pasasalamat ng pamilyang Marcos.
Sinamahan si Sen. Imee nina Senador Bong Go at Mayor-elect Baste Duterte sa Brgy. Vicente Duterte at Brgy. Buhangin proper sa Davao City bilang bahagi pa rin ng “Kadiwa, Pasasalamat at Ugnayan” sa mga barangay kung saan nag-top 1 si president-elect Bongbong Marcos, Jr.
Nabiyayaan ang isang libong residente ng libreng pagkain, gulay at isda sa inisyatibo ni Sen. Imee.
Katuwang ni Marcos sa nasabing aktibidad ang Department of Agriculture Usec. Kristine Evangelista, ilang opisyal ng Department of Social Welfare and Development, lokal na pamahalaan, at ng nasabing barangay.