-- Advertisements --

Nagtungo si Senator Loren Legarda sa Mindanao paritkular na sa General Santos City upang magsagawa ng relief operation sa pamilyang lubhanag naapektuhan ng tumama na magnitude 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng kapuluuan. 

Unang nagtungo ang grupo ni Legarda sa Barangay Calmupang kung saan personal na namahagi ang senadora ng food packs at kumot sa mga residente. Sumunod sa Barangay Dadiangas North kung saan nakatanggap ang mga apektadong pamilya ng bigas, tubig at mga kumot. Habang sa gayundin ang mga ipinamahagi sa mga residente naman ng Barangay Lagao. 

Umabot ang pamamahagi ng senadora ng tulong hanggang sa Glan, Sarangani kung saan naabutan din ang mga biktima ng lindol ng relief goods at mga kumot. 

Binigyang-diin ni Legarada na mahalagang makarating ang tulong sa mga pinakaapektado upang maiparamdam aniya sa mga biktima ng lindol na handang tumulong at umalalay ang gobyerno sa kanilang pagbangon matapos ang dinanas na trahedya.