Inanunsiyo ni presidential sister at Senador Imee Marcos na hindi rin siya dadalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang panayam, ipinaliwanag ng senadora ang hindi niya pagdalo sa SONA ng pangulo ngayon taon.
“Okay lang pakikinggan ‘yun nga lang masama ang loob namin dahil pinakukulong, kinakasuhan ang minority. ‘Di ko kaya eh, masama ang loob ko d’yan eh.”
Nakasuot din ang senadora ng kulay itim bagamat hindi direktang sinagot kung ito ay bilang protesta. Aniya, noong nakaraang SONA itim din ang kaniyang kasuotan dahil ito umano ang kaniyang campaign color noong 2025 elections.
Nauna nang kinumpirma ng Senate Minority leader Alan Peter Cayetano na hindi siya dadalo sa SONA.
Ayon kay Sen. Marcos, marami pang miyembro ng minorya ang hindi dadalo sa SONA. Nilinaw naman ng senadora na wala silang usapan na hindi sila dadalo.















