-- Advertisements --

Mas nanaisin na ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na siya na lang ang humarap sa pagdinig sa International Criminal Court (ICC) ukol sa nangyayaring drug-war sa bansa.

Sinabi nito na bilang siya ang isa sa co-accused ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mas mabuti na aniyang ma-convict ito o kahit bitayin sa korte sa bansa kaysa ma-convict sa korte ng ibang bansa.

Magugunitang naging PNP chief si Dela Rosa ni Pangulong Duterte na siyang nangasiwa ng drug war sa bansa.

Nauna na ring nagpasya ang ICC na imbestigahan ang nagaganap na human-rights abuse mula ng manunkulan bilang alkalde si Duterte sa Davao at pangulo ng bansa.

@@