-- Advertisements --
Pinayagan ng dalawang korte sa Muntinlupa si Senator Leila De Lima na makaboto ngayong Mayo 9.
Ayon sa utos ng Muntinlupa RTC Branch 256 at Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na maaaring bumuto ang senador mula alas-9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali sa lungsod ng Paranaque.
Matapos na ito ay makaboto ay agad itong babalik sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Nakasaad din sa court order na may petsang Abril 20, 2022 na dapat ay sagutin ng senador ang lahat ng mga gastusin sa kaniyang pagboto mula PNP Custodial Center sa Quezon City hanggang Santa Rita College sa Paranaque City.










