-- Advertisements --

Dagdag na panalangin ang hiling ni Sen. “Bong” Revilla Jr., sa gitna ng pakikipaglaban naman nito sa pneumonia.

Kahapon nang tuluyang isugod sa ospital ang 53-year-old actor, halos 10 araw mula nang aminin na siya ay positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at sa kanilang bahay lamang nag-isolate.

Idinaan din nito muli sa pag-Facebook Live ang pagbibigay ng update sa kanyang kondisyon kung saan ito ay nakasuot ng face mask habang ubo ng ubo.

“Okay, laban… (Ang) hirap. Please pray for me. Please,” saad nito sa pagtatapos ng video na ngayon ay tila burado na.

Una nang ipinasa-Diyos ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla ang paglala ng kondisyon ng kanyang asawa na aniya’y na-develop habang naka-quarantine.

“Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal. Hospital care badly needed. Father we lift him up to you,” wika ni Mayor Mercado-Revilla.