Nilinaw ni Sen. “Bong” Revilla Jr., na hindi pa tapos ang kanyang pagpapagaling kahit pa pinayagan na ng mga doktor na makalabas ng ospital.
Ayon sa 53-year-old actor, excited siyang makauwi matapos ang isang linggong pagkaka-confine dahil sa pneumonia kasunod ng pagkakaroon ng coronavirus.
Sinabihan daw siya ng kanyang mga doktor na maganda naman ang tugon ng katawan sa treatment kaya puwede nang ituloy ang pagpapagaling sa bahay.
“They (the dotors) said I am strong and well enough to continue treatment at home,” bahagi ng Facebook update ni Revilla Jr.
Una nang inihayag ng asawa nitong si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na minsan na lamang kung umubo ang kanyang mister.
Nitong Agosto 18 nang tuluyang isugod sa ospital ang anak ng namayapang “Agimat” star, halos 10 araw mula nang aminin na siya ay positibo sa deadly virus at sa kanilang bahay lamang nag-isolate.