-- Advertisements --

Pormal nang nanumpa ang 23 senador bilang mga hukom sa pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Mayo 18.

Ang nag-iisang hindi dumalo ay si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, habang present naman si Senador Robin Padilla, na itinuturing na person of interest sa umano’y pagtakas ni dela Rosa sa Senado noong Mayo 13.

Sa isinagawang roll-call, tanging si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang hindi nakadalo sa pagtitipon.

Samantala, present naman si Senador Robin Padilla, na pinangalanang person of interest sa umano’y pagtakas ni Sen. dela Rosa mula sa premises ng Senado matapos ang naganap na shooting incident sa loob mismo ng Senado noong Mayo 13.