Hinamon ni dating PNP chief at ngayon ay Senator Ronald “Bato” dela Rosa si dating Davao Senior Police Officer Arturo Lascañas na maghain ng mga kaso sa korte kaugnay sa Oplan Tokhang killings sa Davao city sa ilalim noon ng liderato ni Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Welcome aniyang maghain ng mga kaso si Lascañas sa korte kung mayroon siyang ebidensiya ngayong hindi na pangulo si ex-Pres. Rodrigo Duterte.
Nauna na ngang ibinunyag ni Lascañas sa isang panayam na isa umano si VP Sara sa naglunsad ng Oplan Tokhang noong 2012 sa ilalim ng kaniyang termino bilang alkalde pa noon ng Davao city at itinalaga naman si Dela Rosa bilang hepe ng Davao City Police Office.
Kung saan target ang mga personalidad sa iligal na droga, lalo na ang mga gumagamit at nagbebenta ng shabu at ipinag-utos umano ang pagdukot at ilubog sa tubig ang target na parang missing person lamang.