
Papayagan lamang ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maaresto si Senator Ronald Dela Rosa kapag may local na warrant of arrest na lumabas.
May kaugnayan ang pahayag ni Zubiri sa naging desisyon ng International Criminal Court na kanilang ibinabasura ang apela ng Pilipinas sa kanilang prosecutors na tigilan na ang pag-iimbestiga ukol sa ipinatupad na war-on-drugs ng bansa.
Nabanggit kasi si Dela Rosa na siyang PNP chief at si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC Prosecutors report sa mga nagaganap na patayan.
Giit ni Zubiri na protektado si Dela Rosa ng Senado at kanila lamang siyang isusuko kung may lumabas na ng lokal na warrant of arrest.
Sinabi rin ni Solicitor General Menardo Guevarra na maaring idiin ng ICC prosecutor ang isang indibidwal kapag mayroong sapat na ebidensiya at kapag ang apila ay nabasura.










