-- Advertisements --

Inamin ng actress na si Selena Gomez na may relasyon sila ng record producer na si Benny Blanco.

Ginawa nito ang pag-amin ng usisahin ng kaniyang fans ang mga larawan nito sa kaniyang social media na kasama si Blanco.

Nakasama ng actress/ singer si Blanco sa bagong kanta nitong “Single Soon”.

Nagsuot pa ng costume bilang bear si Blanco sa kanta nitong “I Cant Get Enough” noong 2019.

Umani naman ng pagbati mula sa fans ni Selena matapos na aminin ang bagong relasyon niya.