
Dapat palakasin ng gobyerno ang suporta sa lokal na sektor ng agrikultura matapos na pahabain ang taripa sa baboy, bigas at mais, yan ang hiling ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) president Rosendo So.
Ang mga retail na presyo ng imported na bigas ay nananatili sa humigit-kumulang P42 sa kabila ng pagbabawas ng taripa noong nakaraang taon, habang ang lokal na bigas ay ibinebenta ng humigit-kumulang P38 hanggang P40, aniya.
Aniya, hinihikayat umano nila ang pagtulong ng gobyerno dahil sa pagbaba ng taripa upang makatulong din sa lahat ng magsasaka ng ating bansa.
Dagdag niya, kaya umano sinabi na dapat bilisan ng gobyerno ang pagpapalabas ng ipinangakong P6,500 fertilizer subsidy na hindi pa nila natatanggap habang ang sinabing pagbaba ng taripa ay magreresulta sa P5 billion na pagkalugi ng taripa sa bigas at P10 bilyong piso na pagkalugi sa baboy.
Kung matatandaan, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Executive Order No. 171, na nagpapalawig sa pansamantalang pagbabawas ng mga taripa sa mga piling kalakal upang mapawi ang inflation.
Pumalo kasi sa walong porsiyento ang inflation noong Nobyembre, na kung saan ito na ang pinakamataas mula noong Nobyembre taong 2008.










