Naka-isolate ngayon sa kanyang bahay si Presidential Spokesman Harry Roque.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanyang security details.
Gayunpaman, sinabi ni Sec. Roque na wala naman siyang nararamdamang anumang sintomas sa ngayon.
Ayon kay Sec. Roque, kailangan lamang sumunod sila sa health protocol na ipinatutupad ng Department of Health (DOH).
Sa katunayan, nagsagawa pa ng press briefing si Sec. Roque ngayong araw via zoom mula sa kanyang tahanan.
Kaugnay nito, inihayag ni Sec. Roque na hindi siya makadadalo ng personal sa isasagawang pulong mamayang gabi sa MalacaƱang kasama si Pangulong Rodrigo Duterte pero gagawin niya na lamang via online.
Magkakaroon din umano ng panibagong public address si Pangulong Duterte mamayang gabi pagkatapos ng meeting nito kasama ang ilang opisyal ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) at ng gabinete.