-- Advertisements --
Pinag-aaralan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagkakaroon ng bagong panuntunan para sa pagregulate nila ng mga cryptocurrencies.
Katuwang ng SEC ang University of the Philippines Law Center (UPLC) para makabuo ng panuntunan.
Sinabi ni Securities and Exchange Commission (SEC) chairperson Emilio Aquino, na kahit na may batas na noong 1930 ay magiging epektibo pa rin ito sa mga makabagong cryptocurrencies.
Nais nilang matiyak na hindi malulugi ang mga Filipino sakaling pumasok sila sa tinatawag nilang mga digital assets.
Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ng 4.3 milyon na may-ari ng mga cryptocurrencies at mga katulad na mga digital assets sa bansa.