-- Advertisements --
DILG Secretary Benjamin Abalos

Todo ngayon ang panawagan ni Departmet of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa publiko na isumbong sa kanyang tanggapan ang mga pulis at mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang sangkot sa ilegal na droga o anumang katiwalian.

Sinabi ng kalihim na mahalaga ang partisipasyon ng mamayanan sa pagsugpo ng mga iligal na mga gawain ng kawani ng pamahalaan.

Kasabay nito, sinabi ni Abalos na patuloy na gumugulong ang kanilang imbestigasyon hinggil sa mga kawani ng Philippine National Police na isinasangkot sa iligal na droga sa bansa.

Nilinaw naman ni Abalos na kaya pinagre-resign nila ang mga colonel at heneral sa Philippine National Police (PNP) ay dahil napaka-kritikal ng mga posisyong hawak nila sa organisasyon.