Hindi pa matiyak ng Gilas Pilipinas kung makakasama pa nila sa paglalaro sa FIBA Basketball World Cup ang kanilang key player na si Scottie Thompson.
Ito ay matapos na magtamo siya ng injury sa kanilayng kanang kamay matapos ang tune-up games nila sa Lithuania.
Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na hindi muna nila isinama si Thompson sa mga natitirang Europe tune-up games ng Gilas bilang paghahanda sa hosting ng bansa ng FIBA Basketball World Cup.
Pagdating aniya nila sa bansa ay agad na ipapatingin sa mga specialista ang injured na kamay nito para malaman kung kailan ang muling pagbabalik niya sa paglalaro.
Bahagi ng rotation guard ng Gilas si Thompson noong FIBA World Cup qualifiers kung saan nakapaglaro na ito ng anim na beses na mayroong average siya na 6.2 points, 6.8 rebounds at 4.8 assists.