-- Advertisements --

Hindi muna makakapaglaro ang guard ng Portland Trail Blazers na si Scoot Henderson matapos ang natamong injury sa kaliwang hamstring kaya’t mawawala siya ng apat hanggang walong linggo, ayon sa pahayag ng koponan noong Biyernes.

Nangyari ang injury habang siya ay nagsasanay sa offseason. Nakasaad na magsisimula ang training camp ng Blazers sa susunod na linggo, dahil dito maaaring hindi makasali si Henderson sa mga unang laro ng season.

Magugunitang si Henderson, 21 taong gulang, ay inaasahang magiging isa sa mga pangunahing manlalaro ng koponan ngayong season matapos ang paglipat ni Anfernee Simons sa Boston Celtics.

Noong nakaraang season, nagtala siya ng average na 12.7 points, 5.1 assists, at 3 rebounds kada laro.