-- Advertisements --

Dahil sa pinagsama-samang tulong mula sa internet users, komunidad, at mga opisyal ng pamahalaan, ligtas nang nakauwi sa kanyang tahanan sa Cavite ang isang lalaking nakunan ng video, matapos magpalaboy-laboy sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sa post ni Senate Committee on Health Vice Chairman Senator Bong Go, makikitang kasama ng senador si Danilo Dimaala, tubong Cavite na ilang buwan nang naninirahan sa Zamboanga.

Sa kasamaang-palad, natuklasan ni Dimaala na may iba nang kinakasama ang kanyang asawa, dahilan upang siya’y magpasya na lumayo at magsimulang magpalaboy-laboy.

Nakarating pa siya sa Butuan City na walang pera at nanakawan pa ng gamit, kaya’t dalawang buwan siyang namuhay sa lansangan.

Sa tulong ng vlogger, mga residente, netizens, at lokal na opisyal, naiparating sa kinauukulan ang kanyang kalagayan.

Agad namang tumugon si Sen. Go upang matulungan si Dimaala na makauwi sa Cavite.

Nagpasalamat ang senador sa pinagsama-samang malasakit ng mga karaniwang Pilipino na nagbigay ng pag-asa at tulong sa kanilang kapwa.