Hinimok ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani ang Commission on Audit at ang Office of the Ombudsman na alamin kung nagagamit ba bilang pork barrel ang sinasabing savings ng pamahalaan.
Ayon kay Zarate, nariyan naman ang National Budget Circular 586 na kumukolekta sa expected savings mula sa 2020 General Appropriations Act.
“This NBC 586 covers released allotments under the FY 2020 GAA which remain unobligated until May 15, 2021, but not expressly earmarked for the implementation of programs/activities/projects addressing the COVID-19 pandemic and can be realigned by the President as he see fit,” ani Zarate.
“This is a Disbursement Acceleration Program (DAP)-like savings and a form of presidential pork, which was already proscribed by the Supreme Court,” dagdag pa nito.
Iginiit ni Zarate na hindi masisisi ang mga Pilipino kung iisipin ng mga ito na sinusubukan na ng Duterte administration na gumawa ng “enormous war chest” para sa 2022 elections para matiyak na extended ang impluwensya ng mga “clique” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, sinabi naman ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares na ang mga savings na ito, dahil sa nangyayaring underspending ng ilang ahensya ng pamahalaan, ay maaring i-realign sa mga proyekto ng mga kandidato ng administrasyon.
Kaya naman hinamon ni Colmenares ang Duterte administration na i-report ang lahat ng mga savings ng pamahalaan mula noong 2017 para maliwanagan din ang publiko sa kung napunta ang mga ito.