-- Advertisements --

DAVAO CITY – Wala umanong aasahan na pinsala mula sa magnitude 6.2 na lindol na tumama kaninang alas-8:43 ng umaga sa bahagi ng Sarangani.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sentro ng pagyanig ang silangang bahagi ng Sarangani sa Davao Occidental, sa layong 297 kilometro.

May lalim itong 88 kilometro at “tectonic” ang pinagmulan.

Samantala, sinundan ito ng aftershock bandang alas-8:51 ng umaga na nasa magnitude 5.4.

Naging sentro nito ang 304 kilometro sa silangang bahagi ng Sarangani, may lalim na 97 kilometro at tectonic uli ang pinagmulan.

Aasahan naman daw ng publiko ang maramdaman pang mga aftershock.