-- Advertisements --

Tinawanan lamang ng actress na si Sarah Lahbati ang bansag sa kaniya sa social media bilang “Waldas Queen”.

Sinabi nito na hindi niya itinatanggi ang pagiging waldesera.

Hinahayaan na lamang nito ang mga puna dahil sa totoong buhay ay marunong talaga siyang mag-manage ng kaniyang mga gastusin.

Hinamon na lamang nito ang mga bashers na magsawa silang tawagin siyang waldesera.

Magugunitang nagmula ang nasabing termino mula sa ina ng asawang si Richard Gutierrez na si Annabelle Rama.