-- Advertisements --

Titiyakin ng pamahalaan na mananatiling sapat ang supply ng face shields sa bansa.

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag cmakaraang ianunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na mandatory na ang paggamit ng face shields sa mga pampublikong transportasyon para lalong mapababa ang tiyansa ng paghawa at pagpasa ng COVID-19.

Sinabi ni Sec. Roque, dahil ginawang mandatory ito ng pamahalaan, titiyakin ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) na mananatiling sapat ang supply ng bansa sa face shields.

Magugunitang nakikipag-ugnayan na rin ang DTI at DOH para sa pagtatalagang suggested retail rrice (SPR) sa mga face shields.

Ngayon pa lamang ay nagkakaroon na ng “overpricing” sa presyo ng face shields at sinasabing nagkakaubusan na ng supply sa mga pamilihan.