NAGA CITY-Patay ang isang lalake pagkatapos itong barilin sa Catanauan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si alyas Sonny, 52 anyos, residente ng Brgy. Tagbacan Ilaya, ng nabanggit na bayan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, base aniya sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan napag-alaman na alas-9 aniya ng Abril 30 nang makarinig ang kapitbahay ng suspek ng tatlong putok ng baril habang nakahiga na ito sa kanyang bahay.
Alas-7:30 naman aniya pagka-umaga ng makita ng katulong ng biktima na si Michael Rosales ang katawan nito sa kanyang bahay na wala nang buhay at may tama ng bala sa ulo. Kaagad naman aniya nitong pinaalam sa isang barangay kagawad ang pangyayari.
Sa ngayon, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang posibleng may kagagawan ng pagpatay at nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon tungkol sa nangyaring insidente.