Mariing itinanggi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board member Sandra Cam na sangkot siya sa pagkakamatay ng isang bise alkalde, na nakalaban ng kanyang pamilya sa nagdaang halalan.
Miyerkules ng umaga nang binaril si Butuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III habang kumakain ng kanyang agahan sa Sampaloc, Manila ng mga suspects na lulan ng isang van.
Ayon sa asawa ng biktima na si Lalaine, politcally-motivated ang pagpaslang sa kanyang mister at ang mga gunmen na nasa likod ng krimen na ito ay dati na raw nakita sa resort ni Cam sa Masbate.
Pero iginiit ni Cam na hindi siya ang nasa likod ng pagbaril-patay kay Yuson.
Mariin din niyang itinanggi na kakilala niya ang apat na suspek na naaresto ng pulisya.
Nabatid na ang anak ni Yuson na si Charmax Jan ang nanalong mayor sa nakalipas na halalan at hindi ang anak ni Cam na si Martin.