KALIBO, Aklan – Bumuhos ang mga mamamayan ng San Francisco California sa mga kalsada bilang pagdiriwang sa ika-apat na NBA championship ng Golden State Warrors.
Nakuha ng Warriors ang kampeonato matapos talunin ang Boston Celtics sa Game 6 sa score na 103-90 sa TD Garden.
Ayon kay Bombo International Correspondent Greg Aguilar ng California, USA na mayroong mga fireworks sa gitna ng selebrasyon kasabay sa ingay ng mga fans na naging saksi sa pagkasungkit ng Warriors sa NBA title.
Inaasahang sa susunod na linggo ay magkakaroon ng grand parade sa San Francisco.
Nabatid na ito na ang ika-apat na kampeonato ng GSW sa loob ng walong taon.
Bumida sa Warriors si Steph Curry na idineklarang finals MVP na nakagawa ng 34 points, 7 rebounds, 2 steals at isang block.
Naging impresibo rin umano ang ambag nina Andrew Wiggins na may 18 puntos, 4 na steals at 4 na block at Draymond Green na nakagawa ng 12 points, 12 rebound at 8 assist.