-- Advertisements --
nba plain fb6b57f6 f238 4008 adfe b031dfb72087

Ginulat ng San Antonio Spurs ang Phoenix Suns, matapos ang epic comeback sa naging tapatan ng dalawa, 115 -114.

Sa unang dalawang kwarter ay lumamang ang Suns ng 19 big points sa pamamagitan ng magandang opensa, kung saan nagtapos ang first half sa 63 – 45, pabor sa Suns.

Hindi naman nawalan ng pag-asa ang Spurs at agad bumangon sa ikatlong kwarter kung nagawa nilang mapababa ang kalamang sa 14 big points.

Pagpasok ng ika-apat na kwarter, nagbuhos ang Spurs ng 33 big points habang 19 points lamang ang naging kasagutan dito ng Suns, dahil na rin sa mahigpit na depensa ng mga San Antonio players.

Bumida sa naging panalo ng Spurs ang bagitong player na si Keldon Johnson na kumamada ng 27 points habang nagpakita naman ng impresibong offense-defense performance ang rookie na si Victor Wembanyama sa kanyang 18 points 8 rebounds.

Sa naging pagkatalo ng Suns, Kumamada si Kevin Durant ng 26 points at pitong assists habang nag-ambag din ng 20 points ang batikang guard na si Eric Gordon.

Ang pagkatalo ng Suns ay ang ikalawang pagkatalo nila ngayong season sa loob lamang ng apat na game, habang para sa Spurs, ito na ang ikalawa nilang naging panalo.