-- Advertisements --
Nasa maselang kalagayan umano ngayon ang kontrobersiyal na author na si Salman Rushdie matapos na sinaksak ito habang nasa stage sa isang event sa New York.
Ayon sa kanyang agent, hindi umano kagandahan ang balita dahil naka-ventilator na lamang ito at hindi makapagsalita.
Sinasabing posibleng mabulag na rin ang isang mata.
Liban nito malala rin daw ang tama sa kanyang isang kamay habang may damage din daw ang atay ni Rushdie.
Kung maalala naging kontrobersiyal si Rushdie dahil sa sinulat niya noon na libro na “Satanic Verses” noong taong 1988.