Naipanalo ng Sacramento Kings ang una nitong laban ngayong 2023-2024 season laban sa Utah Jazz, 130 – 114.
Nagawa ng Kings na i-domina ang kabuuan ng laro sa pamamagitan ng episyenteng opensa, gamit ang 46.1 field goal percentage.
Ito ay sa kabila ng magandang depensa na ipinamalas ng Jazz kung saan nagawa nilang kumamada ng 54 rebounds samantalang 45 lamang ang nakayang agawin ng Jazz.
Naging susi sa panalo ng Kings ang batikang small forward na si Harrison Barnes na kumamada ng 33pts.
Nag-ambag naman ng double-double si Domantas Sabonis sa kanyang 22pts 12 rebound performance, habang 18 pts ang naging kontribusyon ni De’Aaron Fox.
Sa panig ng Jazz, nanguna si Jordan Clarkson sa kanyang 24 points at 6 assists habang kapwa nag-ambag ng double-double sina Lauri Markkanen at John Collins.
19 pts 10 rebs kay Lauri habang 15 pts 11 rebs ang nagawa ni Collins.
Sa Oktobre 28, makakaharap ng Jazz ang Los Angeles Clippers habang