Binigyan ng pagkakataon ni Russian President Vladimir Putin na pumili ang mga miyembro ng Wagner mercenary group.
Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na march of justice ng Wagner mercenary group sa pangunguna ng pinuno nito na si Yevgeny Prigozhin kasunod ng umano’y pinakawalan na missile strike ng Russian defense ministry sa kanilang kampo na kumitil sa libo-libong mga miyembro nito.
Sa isang pahayag ay kinumpirma ni Putin na ang mga Wagner members ay binibigyan niya ng pagkakataong pumili na sumali sa regular military, bumalik sa kanilang mga pamilya, o tumuloy sa pagtungo sa Belarus.
Kaugnay nito ay inihahanda na ng Defense Ministry ng Russia ang pagha-hand over ng mga military hardware ng Wagner mercenary kasabay ng anunsyong ibinababa na ng Federal Security Service ang lahat ng mga kasong kriminal laban sa mga lumahok sa pag-aalsa, na nahaharap sa pag-uusig para sa armed insurrection.
Samantala, sa ngayon ay nakalapag na sa Minsk, ang kabisera ng Belarus ang eroplanong may kaugnayan umano sa pinuno ng Wagner mercenary group na si Prigozhin.
Kaugnay nito ay ipinag-utos naman ng Belarus army na maging handa para posibilidad ng labanan kasunod ng paghihimagsik ng Prigozhin.