-- Advertisements --

Nagbukas ang Russia ng criminal case laban kay Ukraine President Volodymyr Zelensky at inilagay pa ito sa wanted list ng bansa, ayon sa Russian state news agency. 

Base sa ulat, nasa database na ng wanted list ng Russian Interior Ministry si Zelensky ngunit hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang ulat. 

Sa pahayag naman ng Ukraine’s foreign ministry, dapat aniyang alalahain na mayroong warrant of arrest sa “Russian dictator” na si Vladimir Putin mula sa International Criminal Court dahil umano sa suspicion of war crimes at subject to implementation sa 123 na bansa. 

Ito raw ay patunay ng desperasyon at propaganda ng Russia para makakuha ng atensiyon.