-- Advertisements --
Itinuturing ng Russia na isang pagganti lamang sa Ukraine ang ginawa nilang missile attack sa mga military camp nila.
Ayon sa Russian Ministry of Defense na gumanti lamang sila sa ginawang atake ng Ukraine noong nakaraang linggo sa kanilang Bryansk region.
Bilang ganti ay gumamit ang Russia ng mga high-precision long-range air, sea and land-based weapons kabilang ang Kinzhal hypersonic missile system.
Natamaan umano nila ang mga itinakdang target gaya ng energy at military facilities ng Ukraine.
Unang sinabi ng Ukraine na aabot sa 81 na mga missiles ang pinakawalan ng Russia na tumama sa iba’t-ibang rehiyon ng Ukraine kabilang ang Kyiv kung saan 11 katao ang nasawi.